Blogs > kikay_25 > sweet_kikay ;)
sweet_kikay ;)
 
expressing what's inside u is a good thing, so i guess u'll know more abt me here...lol
Title View |
Sana Sa Aking Pagtanda... Feb 6, 2007 7:48 pm
5568 Views

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self- pity ako a tuwing sisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit- ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo?

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi naman na ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana ... dahil naging
mapagmahal ka sa iyong ama't ina...
0 Comments
Pangatlo Na Lang Me As A Blogger Jan 28, 2007 1:52 am
2198 Views

Hindi me maka2log, di mapalagay, sabi nila matanda me kumpara sa edad ko. I'm only 27 pro para na me 35 anyos. Di rin sigurado kung approve ung application ko as immigrant. Daming utang na babayaran dahil sa ilang linggong bakasyon sa Pinas. Hirap ng buhay doon, budget talaga. Sabay nawala ung galante kong palabigasan.
1 comment
Boring Na Ang Buhay Mula Nawala Siya Jan 28, 2007 1:40 am
2216 Views

Toinks! Gaga kc ako, sira ang ulo bkit napabuyo sa init ng ulo. Hayan, naiinip na me dito sa Canada. Balik nanny na naman at hay salamat, di me isinumbong ng ex kong lez. Kung nagkataon deny sana my arrival dto sa Toronto.
0 Comments
Ang Dali Naman Niyang Naka-Move On Dec 8, 2006 7:57 pm
3534 Views

Tatlong babae daw ang ipinalit niya sa akin. Wow, nakahanap siya kaagad? Ganon niya ako nalimot? Nakapambabae pa rin siya sa kabila ng mga nai-post ko sa group at sa blog? Sabagay, hindi naman nakapagtataka kung pagkaguluhan siya kc ako din naman, nag-flirt sa kanya last April.
0 Comments
Here I Come Philippines Dec 8, 2006 7:50 pm
3496 Views
Unang-una kong gagawin hug ko si mommy ko kc iyak ako nang iyak dito sa Toronto since nalaman nina tita na nakipagrelasyon ako sa tomboy. Para akong may sakit na nakakahawa kung ituring nila. Buti pa ung lover ko, fully supported ng family niya, mas mapera pa at may anak. Samantalang ako, computer ang kaharap sa maghapon at magdamag, nasa chat para malibang. Sana makabalik pa ako sa Toronto after five weeks kahit may nagreklamo sa akin at naapi ko ung alaga kong three-years-old.
0 Comments
PORTABLE PLAY STATION Dec 6, 2006 5:10 am
3824 Views

Promise ko sa lesbian lover ko, pag nag-away kami ibabalik ko ung PSP na regalo niya pero sayang naman. What do you think?
0 Comments
HEAVENLY4U Dec 1, 2006 2:44 am
4083 Views

Bakit ba ugali nyong mag-comment sa mga ex ko saka kau magtatago o mag o-off ng profile? My whereabouts nga pala heto balik sa dating gawi na di kakain kacha-chat, kasasabi ng mga kapalpakan daw ng mga ex ko para makaganti, ahihihi!
0 Comments
I AM THE ONLY KIKAY_25 Nov 29, 2006 10:16 am
4257 Views

I NEVER GAVE MY PASSWORD AND EMAIL ADD KAHIT SINO KINA SALLIE AT JUSTIN. IBANG EMAIL ADD KO DITO KAYA IMPOSIBLENG MAY MAKA-HACK. KAYA TIGILAN NYO NA ANG PAG-AAKUSA BECAUSE I AM THE ONE AND ONLY KIKAY HERE AT FFF. TANGA NA AKO, BULAG, HUNGHANG SA PAGMAMAHAL PERO HINDI NAMAN SIGURO AKO NAPAKA-BOBO PARA IPA-ACCESS SA IBA ANG ACCOUNT NA ITO. UN LANG!
0 Comments
IT'S ALL MY FAULT! Nov 29, 2006 3:32 am
4248 Views

I was a two-timer. I hurt a lot of men in the past, even my own family. Ngayon heto naka-karma na ako. Pero si shenzner ginagamit ang handle ko para mapag-usapan at sumikat at my expense. They're not here to help me. Shadow and tasy also are snakes in the grass. Hay, buhay internet nga naman.
0 Comments
As I reminisced the good times Nov 28, 2006 10:08 am
4275 Views

Grow old with you

nothing to worry about

thank God I've found you

APRIL 25, 2006

i am truly lucky

"ikaw na nga..."

DELIVERIES FROM MY BOYFRIEND

WOW!!!

welcome back baby!

you're the inspiration...
1 comment

To link to this blog (kikay_25) use [blog kikay_25] in your messages.

February 2007
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
        1
 
2
 
3
 
4
 
5
 
6
1
7
 
8
 
9
 
10
 
11
 
12
 
13
 
14
 
15
 
16
 
17
 
18
 
19
 
20
 
21
 
22
 
23
 
24
 
25
 
26
 
27
 
28
 
     

Recent Visitors

Visitor Age Sex Date