Blogs > el_condor > sa aking paglipad...
sa aking paglipad...
 
MGA MUTA SA AKING PANINGIN...
Title View |
SINGKONG MAHAL Mar 26, 2009 7:41 am
224 Views
Singkong puto, singkong palamig,
Singkong Malayan, sinkong kabayan,
Singkong ice drop, singkong ice candy,
Singkong Philip, singkong juicy fruit,

Limang sentemos o limang mamera sadyang mahal kita,
Uhaw ko’y iyong pinawi,at gutom ko’y iyong inibsan,
Isang pirasong sigarilyo, pamamahinga ko’y naging makulay,
Oh! Singko akin kitang itatago, upang ikaw ay dumami.

Subalit panahon ay nagbago, singkong mahal, nawalan ng halaga,
Ikaw ay pakalat-kalat, at walang gustong magtago,
Pati iyong anyo ay naging katawatawa,
Bigat at kalansing mo’y hindi ko na madama at marinig.

Singko, singko, singko,
kailan kaya babalik ang iyong kasikatan,
Mga batang paslit o pulubi’y hindi ka na kilala.

EL CONDOR
0 Comments
SINGKONG MAHAL Mar 23, 2009 10:59 pm

3-24-09
0 Comments
sa kabilugan ng buwan Dec 1, 2006 5:38 am
370 Views
sa kabilugan ng buwan

kabilugan ng buwan, mga maligno ay naglalabasan,
mag-ingat sa pamamasyal, pahiwatig ng mga matatanda,
ako ay hindi naniniwala, lalo’t mundo ay makabago,
subalit totoo pala, ng ito’y aking masaksihan,

ito’y nagbabalatkayo, isang makisig na lalaki,
o minsan namay matandang maginoo,
may matatamis na labi, at ito’y gumagala
naghahanap ng dilag na masasakmal,

ikaw ay kakaibiganin, hangang mahulog ang loob,
ngunit siya pala’y may maitim na balak,
ito’y isang babala, sa mga mahilig makipagkita,
baka kayo ang sumunod na diwata, sa kabilugan ng buwan.

el condor

12-11-05
0 Comments
"MULTO NG KALAWAKAN" Nov 29, 2006 11:20 pm
436 Views
MULTO NG KALAWAKAN

Ikaw ba ay dapat hangaan,
Ipagpatayo ng bantayog at sambahin,
Ganda at talino mo’y tinapon mo sa lusak,
Na dapat ginamit sa ikabubuti ng bawat isa,

Nagkubli ka sa iba’t ibang kabantugan,
Naduwag, baka malaman ang masamang pakay,
Poot at hasik ngingibabaw sa iyong kalooban.
Maghiganti at yurakan ang karangalan ng ibang tao ,

Hindi pa huli ang lahat, upang mabago ang buhay,
Diyos ay mapagpatawad, at mahal tayong lahat,
Ngunit kung ang kalooban mo sadyang bato,
Ikaw ay mabubuhay, na multo ng kalawakan.

el condor

11-30-06
0 Comments
masayang hindi Nov 23, 2006 6:03 am
358 Views

masayang nag-kakilala,
masayang nag-kwentohan,
masayang nag-kaunawaan,
at pinanabikan ang bawat mga sandali,

isang iglap, lahat ay napawi,
kalungkutan at hinagpis, nag-hari sa kapaligiran,
hangang ngayon tinatanong sa sarili,
bakit naging masaklap, ang ating paghihiwalay.

el condor
11-22-06
0 Comments
ang pagbabalik Nov 8, 2006 10:17 pm
366 Views
ang pagbabalik

namahinga ng kay tagal,
ngayon ay muling babangon at babalik,
magiging matatag at malakas,
upang haharapin ang mga unos na darating.
0 Comments
PAKIKIBAKA Sep 20, 2006 10:38 pm
377 Views
PAKIKIBAKA

Makibaka huwag matakot, ibagsak ang dictadora!
Mag-aaral, mangagawa, at dukha, ito ang sigaw,
Dalawamput taong nagpasasa sa kaban ng bayan,
Dapat wakasan ang madugo at mapangaping rehimen,

Isang pakikibaka, dito’y isinilang,
Iisa ang mithiin ibasak ang diktadora,
Tanikalang gumagapos, kinalag ng mamayan,
Kapayapaan, katarungan at kalayaan muling nakamtan,

Dalawamput taon ang lumipas, wari ko’y hindi nagbago,
Katarungan inasam, pagong kung umusad,
Mithing umunlad, lalong nabaon sa lusak,
Pagpapayaman ang inuna, at naging sakim sa kapangyarihan,

Mga kasama sa pakikibaka, ngayo’y namumuno,
Tinakwil ang adhikain, laban sa dictadora,
Kailan kaya makakamtan, tunay na pag-unlad,
Isang madugong pakikibaka ba! ang nararapat.

el_condor

9-20-06
0 Comments
PAKIKIBAKA Sep 19, 2006 6:53 pm
376 Views

PAKIKIBAKA

Makibaka huwag matakot, ibagsak ang dictadora!
Mag-aaral, mangagawa, at dukha, ito ang sigaw,
Dalawamput taong nagpasasa sa kaban ng bayan,
Dapat wakasan ang madugo at mapangaiping rehimen,

Isang pakikibaka, dito’y isinilang,
Iisa ang mithiin ibasak ang diktadora,
Tanikalang gumagapos, kinalag ng mamayan,
Kapayapaan, katarungan at kalayaan muling nakamtan,

Dalawamput taon ang lumipas, wari ko’y hindi nagbago,
Katarungan inasam, pagong kung umusad,
Mithing umunlad, lalong nabaon sa lusak,
Pagpapayaman ang inuna, at naging sakim sa kapangyarihan,

Mga kasama sa pakikibaka, ngayo’y namumuno,
Tinakwil ang adhikain, laban sa dictadora,
Kailan kaya makakamtan, tunay na pag-unlad,
Isang madugong pakikibaka ba! ang nararapat.

el_condor

9-20-06
0 Comments
buhay Sep 15, 2006 1:16 am
407 Views

buhay

buhay na kay hiwaga, kapalaran ay matalinghaga,
parang isang roleta, kung uminog ay kay bilis,
lungkot at hinagpis minsan ay iyong madadama,
isang kurap ng mata'y kagalakan ay nag-uumapaw,

hirap at kasaganahan naka guhit sa ating buhay,
minsan ikaw ay sawi iba nama'y nagtatagumpay,
maging matatag sa ating kapalaran,
at magpasalamat sa buhay na binigay ng Maykapal.

el condor

9-14-06
0 Comments
buhay Sep 14, 2006 8:33 am
387 Views

1 2 3 4 5 Next

To link to this blog (el_condor) use [blog el_condor] in your messages.

March 2009
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
1
 
2
 
3
 
4
 
5
 
6
 
7
 
8
 
9
 
10
 
11
 
12
 
13
 
14
 
15
 
16
 
17
 
18
 
19
 
20
 
21
 
22
 
23
1
24
 
25
 
26
1
27
 
28
 
29
 
30
 
31
 
Recent Visitors

Visitor Age Sex Date