![]() | Blogs > el_condor > sa aking paglipad... > sa kabilugan ng buwan |
sa kabilugan ng buwan
12/1/2006 5:38 am Last Read: |
sa kabilugan ng buwan kabilugan ng buwan, mga maligno ay naglalabasan, mag-ingat sa pamamasyal, pahiwatig ng mga matatanda, ako ay hindi naniniwala, lalo’t mundo ay makabago, subalit totoo pala, ng ito’y aking masaksihan, ito’y nagbabalatkayo, isang makisig na lalaki, o minsan namay matandang maginoo, may matatamis na labi, at ito’y gumagala naghahanap ng dilag na masasakmal, ikaw ay kakaibiganin, hangang mahulog ang loob, ngunit siya pala’y may maitim na balak, ito’y isang babala, sa mga mahilig makipagkita, baka kayo ang sumunod na diwata, sa kabilugan ng buwan. el condor ![]() 12-11-05 |
| Become a member to comment on this blog | ||
|


